Nakatayo sa ilalim ng araw.
Nakatingala sa mga ulap na bughaw.
Ng biglang dumilim at nangitim.
Malalaking patak tumama sa akin.
Kulog dito kidlat doon.
Saan ako paroroon?
Tila ba ang langit,
Galit na galit.
Si Ondoy ay dumating na.
Handa ng manalasa.
Tubig ulan kay bilis naging baha.
Ultimo walang balak humupa.
Sa aming tahanan,
Puno ng tawanan.
Hanggang sa aming hagdan,
Baha'y unti-unting gumapang.
Ngayon ay lagpas tao.
Kailangan ng humingi ng saklolo.
Pag lusob sa tubig.
Nakamamatay na lamig.
Kay bilis ng mga pangyayari.
Animoy di ko mawari.
Pamilya ko'y ligtas na.
At ilang oras nalang ay kasalan na.
Takot ng kahapon,
Inalis ng Panginoon.
Upang ang aking puso,
Maibigay sa iyo ng buo.
No comments:
Post a Comment